📷Department of Budget and Management
Nagsimula na ang pagdiriwang ng 2025 Open Government Week na pinangunahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, alinsunod sa adbokasiya ng administrasyong Marcos para sa bukas at mabuting pamahalaan.
Sa kaniyang mensahe, iginiit ni Sec. Pangandaman ang kahalagahan ng demokrasya at partisipasyon ng mamamayan sa pamahalaan.
Binigyang-diin niya ang tagumpay ng Pilipinas sa larangan ng open governance gaya ng pagsusulong ng Freedom of Information Bill, at ang pagkakamit ng pinakamataas na bilang ng kalahok sa Open Gov Challenge sa buong Asia-Pacific.
Bahagi rin ng selebrasyon ang mga forum, workshops, youth dialogues, at caravan na layong paigtingin ang transparency at accountability sa lokal at pambansang pamahalaan.
Ang Open Government Week ay tatagal hanggang May 23, 2025. | ulat ni Lorenz Tanjoco