Naniniwala si Spain Ambassador to the Philippines Miguel Ultray Delgado na malaki ang investment opportunity sa Subic Bay Freeport.
Bumisita kamakailan si Amb. Delgado sa freeport kasama ang kanyang delegasyon, kung saan nakita nila ang lumalagong potensyal pang-ekonomiya.
Aniya, kung magpapatuloy ang pag-unlad nito, maaari itong maging pangunahing logistics at trade hub sa buong Southeast Asia.
Dagdag pa niya, kinikilala na rin globaly ang Subic Freeport bilang isa sa mga pinakamahusay na Economic Zones sa mundo, batay sa White Paper study ng Spanish firm na IDOM sa pakikipagtulungan ng FEMOZA (World Free and Special Economic Zones Federation).
Ipinahayag din ng Ambassador na ang kanilang pagbisita ay napapanahon dahil maraming kumpanyang Espanyol mula sa iba’t ibang sektor ang may interes sa Subic.
Kabilang na ang Metalyset—isang international na kumpanyang nagbibigay ng teknikal at industriyal na serbisyo na itinatag sa Espanya noong 2008.
Sa panig naman ni Chairman Eduardo Aliño, sinabi niyang ang pagbisita ay patunay ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Espanya. | ulat ni Melany V. Reyes