š· BFAR-10
Napagkalooban ng 50,000 tilapia fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)āRegion 10 kamakailan ang Linindingan Tilapia Grower Farmersā Association (LTGFA), isa sa mga benepisyaryo ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program Phase 2 mula sa Poona Piagapo, Lanao del Norte.
Bahagi ito ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga fingerling, commercial feed, at mga teknikal na serbisyo para sa kanilang unang cycle ng aquaculture production ngayong taon.

Inaasahang aabutin ng 4 hanggang 5 buwan bago maani ang naturang mga tilapia.
Nagpamalas din ang asosasyon ng kanilang pagsisikap sa pagpapatatag ng proyekto upang higit pang mapalakas ang produksyon ng isda at mapabuti ang seguridad sa pagkain sa kanilang komunidad.
Samantala, ang SAAD Program Phase 2 ay naglalayong maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda mula sa mga pinakamahihirap na lugar sa Pilipinas. | ulat ni Sharif Timhar | RP Iligan