BSP, pansamantalang ihihinto ang operasyon ng mga coin deposit machine (CoDM) sa Greater Manila Area simula Hunyo 17

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang ihihinto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang operasyon ng lahat ng Coin Deposit Machines (CoDM) sa mga piling malls sa Greater Manila Area simula Hunyo 17, 2025.

Ayon sa BSP, ang hakbang na ito ay bahagi ng masusing pag-aaral upang mapahusay pa ang sirkulasyon ng mga barya at ang sistema ng currency exchange sa bansa. Maaari pa ring gamitin ang CoDM hanggang Hunyo 16 ngayong taon para sa pagpapalit ng mga barya.

Mula nang ilunsad noong Hunyo 2023, umabot na sa P1.5 bilyon ang halagang nakolekta ng mga naturang makina.

Samantala, pinaaalalahanan ang publiko na maaari pa rin namang magdeposito ng mga barya sa mga bangko kung may account, at para sa mga walang account, maaaring magpapalit sa mga currency exchange centers (CECs) sa ilalim ng BSP Piso Caravan.

Tiniyak din ng BSP na muling ilulunsad ang programa matapos ang isasagawang mga pagsusuri kasabay ng pagpapatuloy ng kanilang mandato na panatilihin ang maayos na payments and settlements system sa bansa. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us