Limitado lamang sa isang volcanic earthquake ang naitala sa Mt. Kanlaon sa Negros Island kahapon.
Gayunman, naglabas naman ito ng 1,836 tonelada ng sulfur dioxide flux at pagsingaw ng hanggang 75 metro ang taas.
Ayon sa PHIVOLCS, mahina lang ito pero walang patid na pagsingaw at napadpad sa Kanlurang bahagi ng bulkan.
Nanatili pa ring nakataas sa alert level 3 ang status ng Kanlaon at hindi inaalis ang posibilidad ng muling pagputok.
Samantala, nalinis na sa lahar flow ang ilang kalsada sa Barangay Sitio Tamburong Biak-na-Bato sa La Castellana, Negros Occidental.
Dumaloy ang lahar mula sa ituktok ng bulkan nang umulan noong Biyernes ng gabi. | ulat ni Rey Ferrer


