Ginunita ng Camalig, Albay ang 95th May Flower Festival (MAFLOR) sa pamamagitan ng isang engrandeng Santacruzan.
Pinaniniwalaang ang May Flower Festival ang pinakamatanda at patuloy na ipinagdiriwang na Santacruzan sa Albay na itinatag noong 1930 ng May Flower Organization.

Itinampok sa parada ang pasos galing sa iba’t ibang barangay ng bayan na inirerepresenta ang Reyna Mora, Reyna Esther, Tres Marias; Samaritana, Queen Charity, Queen Justice, Queen of Heaven, Reyna de las Flores, Reyna Elena, at Reyna Emperatriz.
Sa kabila ng mabilis na modernisasyon, pinapanatili ng Camaligueño ang pamanang kultura sa kanila. | ulat ni Elver Arango| RP1 Albay

