📸 DepEd Caraga
Tinaguriang Arnis Star ng Team Caragold si Queen Fairy Rose Rante na siyang nakasungkit sa kauna-unahang gintong medalya sa Palarong Pambansa 2025.
Si Queen Fairy Rose Rante ay edad dose anyos pa lamang at estudyante ng Ampayon Central Elementary School, Butuan City Division.
Bumida naman si Airielle Ashle Lape ng Ampayon Central Elementary School matapos mapanalunan ang gintong medalya sa Individual Likhang Anyo – Espada y Daga Weapon.

Ang iba pang nanalo sa Palarong Pambansa ay sina Raymond Roy Varmona nanalo ng bronze medal sa Athletics Long Jump Elementary Boys at Shanee Miep Guillarte na nakakuha ng silver medal sa Athletics Discus Throw Elementary Girls.
Ipinagmalaki naman ng Team Caragold si Mary Mae Magbanua matapos manalo ng silver medal sa Athletics 3000m Secondary Girls, ang kauna-unahang medalya na nasungkit ng Caraga region sa Palarong Pambansa 2025. | ulat ni Jocelyn Morano | RP Butuan