📷DSWD Field Office 5- Bicol
Nagbigay ng agarang tulong ang DSWD-Bicol sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng matinding banggaan sa pagitan ng pampasaherong bus at delivery truck sa Polangui, Albay noong May 20, 2025.
Batay sa ulat, may sakay na humigit-kumulang 50 pasahero ang bus na patungong Maynila, samantalang ang kasalubong nitong truck ay binabaybay ang ruta papuntang Sorsogon. Dahil sa lakas ng salpukan, agad na nasawi ang mga driver ng parehong sasakyan.

Isang pasahero rin ang nagtamo ng matinding pinsala at kalauna’y binawian ng buhay.
Nagpahayag ng pakikiramay ang DSWD Bicol sa mga naiwang pamilya at tiniyak ang patuloy na suporta sa pamamagitan ng agarang pagbibigay tulong pinansyal at psychosocial assistance. | ulat ni Kristine Villanueva | RP Albay