Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatuloy ng kanilang mga programa at pagbibigay serbisyo sa kabila ng inihaing courtesy resignation ni Education Sec. Sonny Angara.
Ayon kay Dennis Legaspi, Media Relations Chief ng DepEd, sa katunayan ay sasamahan ng Kalihim si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bukas para sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Ilocos Norte.
Bukod diyan, full-blast na rin ang paghahanda ng DepEd para sa nalalapit na pagbubukas ng school year 2025-2026.
Samantala, sinabi ni Legaspi na hangga’t wala pang aksyon ang Malacanang sa courtesy resignation na ipinasa kahapon, walang magiging pagbabago sa trabaho nila sa DepEd. | ulat ni Jaymark Dagala