Halos 1,700 insidente ng vote buying, ‘fake news’, na-monitor ng Task Force KKK sa nagdaang halalan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ng Commission on Elections na umabot sa 1,699 ang election-related incidents na kanilang namonitor nitong nagdaang panahon ng halalan mula Mayo 5 hanggang 20, 2025, ito ay bilang bahagi ng kanilang layunin na tiyakin ang tapat, totoo, at ligtas na halalan sa buong bansa.

Kabilang sa mga naitalang kaso ang 588 insidente ng vote buying at vote selling, 473 kaso ng disinformation, at 292 kaso ng misinformation. Na-monitor din nila ang troll activities, cyber intrusions, at paggamit ng AI-generated deepfakes.

Ang datos ay nakalap sa ilalim ng Task Force Katotohanan, Katapatan, at Katarungan o KKK sa Halalan, sa pangunguna ni Commissioner Nelson J. Celis, katuwang ang DICT, CICC, PNP, NBI, NICA, at mga tech giant na Meta, Google, at TikTok, kasama ang NAMFREL, PPCRV, at LENTE.

Giit ng COMELEC, patunay ito ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, pribadong sektor, at civil society upang pangalagaan ang integridad ng halalan at labanan ang banta ng fake news. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us