Iba’t ibang uri ng dangerous drugs ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management, Inc. sa Trece Martires City, Cavite kaninang umaga.
Sa ulat ng PDEA, abot sa ₱5,321,563,665.95 ang kabuuang halaga ng mapanganib na droga ang sinira sa pamamagitan ng
thermal decomposition o thermolysis.
Kinabibilangan ito ng Methamphetamine Hydrochloride, o Shabu; Marijuana; Ecstasy; Cocaine; Toluene; Ketamine; Phenacetin; LSD; Liquid Cocaine; Liquid Meth; Liquid Marijuana, at iba pang expired medicines.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, ang illegal drugs ay mga drug evidence na nakumpiska sa anti-drug operations ng PDEA at iba pang counterpart law enforcement agencies.
Kabilang din dito ang mga na-turnover ng mga awtoridad na ipinag-utos ng korte para sirain. | ulat ni Rey Ferrer