Higit 100 bahay, nasira ng pagbaha sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 119 na kabahayan sa Mindanao ang nasira ng mga pagbaha dulot ng epekto ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa kabuuang bilang, 29 na kabahayan ang totally damaged at 90 ang partially damaged.

Hanggang ngayon, nananatili pa rin sa mga evacuation center ang mahigit 57,000 pamilya o halos 177,000 indibidwal na inilikas.

Pagtiyak ng Department of Social Welfare na may sapat na relief resources sa rehiyon para sa pangangailangan ng mga residente.

Ayon sa ulat, nasa 143 barangay mula sa Regions 9, 10, 11, 12 at Bangsamoro Autonomous Region ang ang naapektuhan ng baha simula noong May 15, 2025. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us