House minority leader, pabor sa cabinet revamp ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pabor si House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling ayusin ang kanyang gabinete — isang hakbang na nagpapatunay sa kanyang sinseridad na tumutugon at epektibong pamamahala.

Ayon kay Libanan, ang matapang na hakbang ng Pangulo ay nagpapakita ng kanyang determinasyon na itaguyod ang pinakamataas na pamantayan sa serbisyo publiko. Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tamang tao sa mahahalagang posisyon na tutugon sa nagbabagong pangangailangan ng mga Pilipino.

Ayon pa kay Libanan, ang pagbabago kapag sinisimulan ng isang malinaw na pangitain at matibay na liderato ay maaaring magbigay ng panibagong sigla para maging handa sa pagharap sa hamon ng panahon.

Ang muling pagsasaayos ng gabinete ay isang magandang pagkakataon para palakasin ang pagkakaisa ng mga institusyon ng bansa, mapabuti ang pagpapatupad ng mga patakaran, at mapalalim ang ugnayan nito sa publiko.

Ayon pa kay Libanan, suportado nila ang pagsusumikap ng Pangulo na isulong ang isang dynamic at inclusive na national agenda.

“The Minority stands ready to work in constructive partnership with the reorganized cabinet in pursuit of our shared goals: stability, prosperity, and progress for the Philippines,” pahayag ni Libanan. | ulat ni Ma. Daisy Amor Lalosa-Belizar | RP Borongan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us