Lapu-Lapu Monument, pormal nang binuksan sa publiko sa bago nitong lokasyon sa Luneta, Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang binuksan ngayong araw, Mayo 18, ang Monumento ni Lapu-Lapu sa bago nitong lokasyon sa Maria Orosa Street, Maynila, kasabay ng pagdiriwang ng International Museum Day.

Ito ay matapos ang mahigit isang dekada sa Agripina Circle sa Rizal Park, mas kitang-kita na ngayon ang Sentinel of Freedom sa mas prominente at madalas daanan ng mga turista.

Pinangunahan ng National Museum of the Philippines ang seremonya ng unveiling na sinaksihan ni dating Senador at Tourism Secretary Richard Gordon, na nagkaroon ng mahalagang papel sa pagtatayo ng monumento noong 2005 sa tulong ng Korean Freedom League. Ang Sentinel of Freedom ay simbolo ng pagkakaisa at pagkilala ng Korea sa katapangan ng mga Pilipinong nakipaglaban sa kanilang panig noong Korean War.

Mula sa laban ni Lapu-Lapu kontra kay Magellan noong 1521 hanggang sa sakripisyo ni Dr. Jose Rizal noong 1896, ang monumento ay sumasalamin sa diwa ng kalayaan at kagitingan ng mga Pilipino. Ayon kay Gordon, ang bagong lokasyon ay nagbibigay-daan upang higit itong mapansin at mapahalagahan ng mga Pilipino at turista.

Sa muling pagbubukas ng Maria Orosa Street gate ng National Museum Complex, mas madali nang mapupuntahan ang monumento, na nagsisilbing paalala, ayon kay Gordon, sa susunod na henerasyon sa pagtindig at paglaban sa ating kalayaan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us