📷LGU Basco
Muling nakatanggap ng panibagong Free Wi-Fi Connectivity ang Local Government Unit ng Basco mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT). Layunin nito na palakasin pa ang kapabilidad sa Disaster Response at upang mabigyan din ng free internet access sa komunidad.
Kabilang dito ang dalawang 24/7 na access points sa Batanes Provincial Park upang suportahan ang mga aktibidad at magamit ang QR Code sa mga local events.
Samantala, mayroon ding internet access na nakatutok sa Basco Disaster Risk Reduction and Management Office para sa disaster response operation habang dalawang access points naman sa municipal building para sa Municipal Treasurer’s Office.
Tututukan nito ang nalalapit na pagpapatupad ng digital payment systems at online tax collection bilang bahagi ng implementasyon ng eLGU na ilulunsad ngayong darating na Hunyo.
Ang eLGU System ay magkokonekta sa apat na munisipyo sa isla ng Batan kung saan ipapatupad ang digital transactions upang mapadali ang mga serbisyo ng pamahalaan.
Kaya naman ay lubos ang pasasalamat ng LGU Basco sa DICT sa inisyatibo na maghatid ng mas pinalakas na digital connectivity lalo na sa disaster operations. | ulat ni Rodelyn Amboy | RP Batanes