Limang bagong ambahador na nakatalaga sa Pilipinas, mainit na tinanggap ni Pangulong Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang limang ambahador ng iba’t ibang bansa, na nakatalaga sa Pilipinas, para sa presentasyon ng credentials ng mga ito.

Layong nitong patatagin pa ang ugnayan ng Pilipinnas sa Bangladesh, Palau, Armenia, Cuba, at Mongolia.

“As President Ferdinand R. Marcos Jr. received the credentials of five new ambassadors to the Philippines at Malacañang on Thursday, he took the opportunity to reaffirm the Philippines’ commitment to strengthening bilateral cooperation with Bangladesh, Palau, Armenia, Cuba, and Mongolia.” -PCO.

Kasama ng pangulo sa pagtanggap sa mga ambahador ay si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Sa kaganapang ito, nagpahayag ng kumpiyansa ang pangulo na magagampanan ng mga ambahador ang kanilang tungkulin, para sa lalo pang paglalim ng ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang kanilang kinakatawan.

“President Marcos expressed his hope that the envoys would work closely with their Philippine counterparts to continue deepening bilateral ties, and encouraged them to take time to explore the Philippines.” -PCO. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us