Metro Manila at kalapit lalawigan, posibleng ulanin ngayong hapon — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang Metro Manila at mga Lalawigan ng Rizal, Laguna, Nueva Ecija, Cavite at Batangas ngayong hapon.

Ito ay ayon sa pinakahuling thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA Weather Bureau.

Ang ganitong kondisyon ng panahon ay nararanasan na sa
Bulacan (Dona Remedios Trinidad, San Jose del Monte, Baliuag, Plaridel, Bustos, Pulilan, Norzagaray, Calumpit), Pampanga (Macabebe, Masantol, Minalin, Apalit), Zambales(Botolan), Tarlac(San Jose) at Quezon (Pagbilao, Lucena).

Posibleng tumagal ang mga pag-ulan sa loob ng dalawang oras at makakaapekto pa sa kalapit na lugar.

Samantala, binabantayan din ng PAGASA ang
isang low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Pero walang katiyakan na maging tropical depression ito sa loob ng susunod na 24 na oras. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us