Handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan
Kasabay nito, ibinida ng MMDA ang mga bago nilang kagamitan gaya ng dump truck at heavy equipment na kanilang magagamit sa pagbaha.
Isinagawa ang blessing sa mga bagong kagamitan na ito ng MMDA sa Motorcycle Rider Academy sa bahagi ng Meralco Avenue sa Ortigas, Pasig City.
Ayon kay Artes, napapanahon ang pagdating ng mga bagong kagamitan para sa kanilang pagresponde sa panahon ng pagbaha at makatutulong ng malaki sa kanilang Metro Manila Flood Management Project.
Inihalimbawa ni Artes ang karanasan ng Metro Manila sa nagdaang Bagyong Karina noong 2024, kung saan maraming lokal na pamahalaan ang nahirapan na pag-alis ng mga basura sa daan.
Paliwanag niya, makatutulong ang mga dump truck at heavy equipment sakaling dumating muli ang malalakas na bagyo at mapapabilis ang kanilang disaster response.
Kapaag naialis aniya ang mga basura ay maiiwasan ang pagbabara nito sa mga kanal at daluyan ng tubig, na agad magpapahupa ng baha.
Sa kabuuan ang mga bagong gamit ng MMDA ay:
- Four (4) backhoe units
- Eight (8) loader trucks
- Two (2) telescopic cranes
- Two (2) excavators
- Five (5) high-pressure vacuum, emptier, and watertight trucks
- Three (3) boats
- Six (6) mobile pumps
Dagdag pa rito, nakabili rin ang MMDA ng:
- Nineteen (19) dump trucks
- Four (4) power cleaning machines
| ulat ni Jaymark Dagala