MTRCB Chair, tumugon sa direktiba ng Pangulong Marcos na courtesy resignation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na nagbitiw sa kanyang posisyon bilang Chairperson at CEO ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Bb Lala Sotto-Antonio, bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na humihiling ng courtesy resignation mula sa lahat ng miyembro ng gabinete at pinuno ng ahensya.

Sa kanyang liham na isinumite sa Office of the Executive Secretary, ipinahayag ni Sotto-Antonio ang pasasalamat sa tiwala at pagkakataong makapaglingkod sa administrasyon ni Marcos Jr. at sa taumbayan.

“Itinuring kong malaking karangalan ang mamuno sa MTRCB at maglingkod para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino,” pahayag  ng  opisyal.

Itinalaga si Sotto-Antonio noong Hulyo 7, 2022, at pinangunahan niya ang ahensya sa mga reporma tulad ng Responsableng Panonood campaign, modernisasyon ng classification systems, at aktibong pakikilahok sa mga pandaigdigang pagpupulong.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nakapagsuri ang MTRCB ng mahigit 267,000 media materials noong 2024 at kinilala sa loob at labas ng bansa para sa mahusay na pamumuno at pagtutok sa kapakanan ng mga manonood, lalo na ng mga bata. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us