Nakatakdang brgy. elections sa December, pinaghahandaan na rin ng QC Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makaraang maidaos ang mapayapang Midterm Elections, inanunsiyo ng Commission on Elections (COMELEC) Quezon City na naghahanda naman sila ngayon para sa barangay elections na nakaiskedyul sa December 1.

Ayon kay Mr. Raul Talavera ng Comelec QC, hangga’t walang pinal na pagbabago ay patuloy nilang paghahandaan ang darating na halalan dahil ito ang nakatakda sa batas.

Inanunsiyo din ni Talavera na sa July 1 hanggang July 11 ang muling pagbubukas ng registration ng mga botante para sa darating na barangay at SK elections.

Sa QC, may 142 Barangay Chairperson at SK Chairperson ang pagbobotohan sa darating na halalan, at may tig-pitong kagawad sa bawat barangay sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us