Nagsumite ng petisyon ang OFW Party-list sa Korte Suprema para humiling ng muling pagsusuri sa pagkalkula para sa mga partidong maaaring makaupo sa ika-20 Kongreso.
Sa kanilang petisyon para sa certiorari, humiling ang OFW Party-list ng muling pagkalkula ng alokasyon ng mga nanalong party-list seats gamit ang isang formula na hindi nagpapahintulot ng karagdagang upuan para sa mga party-list organization na nakakuha ng 2% ng kabuuang boto.
Matatandaang nakakuha ng tig-tatlong upuan ang Akbayan, Duterte Youth, at Tingog habang tig-dalawang upuan naman ang napanalunan ng 4Ps, ACT-CIS, at AKO BICOL.
Sa kabuuan, may 48 party-list groups na nakakuha ng isang upuan.
May kabuuang 63 upuan na inilaan para sa mga kinatawan ng party-list at pang-59 sa listahan ang OFW Party-list.
Nanawagan din si Del Mar sa Korte na muling suriin ang akreditasyon at i-diskwalipika at huwag pahintulutan ang patuloy na paglahok ng mga grupong hindi kabilang sa marginalized sector sa party-list system ng halalan. | ulat ni Lorenz Tanjoco