Operasyon ng mga motorcycle taxi sa bansa, nananatiling “status quo”—LTFRB——

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanatiling “status quo” ang operasyon ng mga motorcycle taxi sa bansa matapos magsumite ng Motion for Reconsideration ang ride-hailing company na Move It laban sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na nagtatakda ng pagbabawas sa bilang ng kanilang fleet at pagpapatigil ng operasyon sa ilang lugar na bahagi ng pilot study.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTFRB Spokesperson Atty. Ariel Inton na ang regulasyon ng motorcycle taxis ay nasa ilalim pa rin ng multi-agency technical working group kasama ang DOTr, LTFRB, at LTO, at hindi lamang ang LTFRB ang gumagawa ng desisyon dito.

Tiniyak ni Inton na batay sa direktiba ni Transportation Secretary Vince Dizon, mananatili muna ang status quo habang pinag-aaralan ng technical working group ang motion for reconsideration ng MoveIt, kaya patuloy pa ring makakabiyahe ang mga rider.

Tiniyak naman ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na isinasalang-alang ng TWG ang kapakanan ng mga motorcycle taxi rider, habang isinusulong pa rin ang ligtas at maayos sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us