Pagbabalik ng disiplina, integridad ng mga Pulis, panawagan ng PNP Chief sa isinagawang Command Conference

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang direktibang “Go Back to Basics” na layong muling pagtibayin ang disiplina, propesyonalismo, at tugunan ang mga suliranin sa hanay ng Pulisya.

Ito’y bilang tugon na rin sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang propesyonalismo at muling makuha ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan.

Sa isinagawang Command Conference ng PNP kahapon matapos ang #HatolNgBayan2025, iginiit ni Marbil na panahon na upang bumalik ang Pulisya sa sandigan ng tunay na paglilingkod.

Giit niya, kung nais umusad ng Pulisya bilang propesyonal na ogranisasyon, kailangang palakasin ang mga sistema at itama ang mga gawi na humahadlang sa kanilang pag-unlad.

Kasunod niyan, itinalaga ni Marbil si Deputy Chief PNP for Administration, Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. para pangunahan at tutukan ang pagpapatupad ng “Go Back to Basics” program para tiyakin ang nagkakaisa, pantay, at masusing pagsubaybay.  | ulat ni Jaymark Dagala