Pagkakaiba ng partido ng mga Senador, hindi na dapat mangibabaw, ngayong pumili na ang taumbayan ng mga maglilingkod sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na tinitignan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakaiba-iba ng kulay o partido ng mga mambabatas na mauupo sa Senado, lalo’t tapos na ang eleksyon.

Ayon kay Communications Usec Claire Castro, ang mahalaga na lamang para sa pangulo, magkaisa ang mga mambabatas sa pagsusulong ng mga panukala at programa na mag-aangat sa buhay ng mga Pilipino.

Sa press briefing sa Malacañan, sinabi ng opisyal na dahil nagsalita at nakapili na ang mga Pilipino, hindi na dapat pang mangibabaw ang pagkakaiba-iba.

“Sa ngayon po, ang bilang po ay anim ang nakapasok, pero tapos na po ang eleksiyon, nagsalita na rin po ang taumbayan. Sa paningin po ng Pangulo, wala na pong Alyansa, wala pong PDP, walang anumang kulay ng pulitika, dapat lahat po ng nahalal ay magkaisa-isa, magkaroon po ng kooperasyon.” -Usec Castro.

Dapat aniya ay hindi puro politika ang pinagu-usapan, lalo’t hindi aniya makakausad at hindi rin makakakilos ang mga mambabatas kung puro pangi-intriga ang mangingibabaw.

“Ito naman po ay para sa taumbayan, huwag naman po sana laging politika ang pinag-uusapan at hindi po tayo makakilos at makakausad kung puro pamumulitika at pang-iintriga ang gagawin natin sa pamahalaan.” -Usec Castro. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us