Pagsasampa ng money laundering cases laban kay Alice Guo, welcome sa isang senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagalak ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagsasampa ng 62 counts ng money laundering cases laban kay Alice Guo. 

Ayon kay Gatchalian, pinapalakas ng pagkakasong ito ang laban ng bansa para tuluyan nang maalis ang POGO at ang ang mga iligal na aktibidad nito sa ating bansa. 

Inaasahan ng senador na ang development na ito ay makakapigil sa iligal na daloy ng ‘dirty money’ na nagpopondo ng kanilang operasyon at na mapipilay nito ang kanilang financial machinery.

Giniit ni Gatchalian na ito ay bunga ng maigting na paninindigan ng Senado. 

Kasabay nito ay hinamon ng senador ang mga taga-usig na palakasin ang mga kaso laban sa lahat ng mga nasa likod ng POGO at tiyaking mananagot sila sa batas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us