Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang pangangailangang maisapinal na ang code of conduct sa South China Sea.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa ASEAN Summit intervention Kung saan ay binibigyang pagkakataon ang bawat lider na maglahad ng kanilang pananaw, mungkahi, o posisyon ukol sa mga mahahalagang isyung tinatalakay sa pulong.
Ayon sa Pangulo, mahalagang maisapinal na ang code of conduct hindi lamang para mabantayan ang maritime rights kundi maituguyod din ang katatagan sa rehiyon at maiwasan ang aumang ‘miscalculations’ na magdudulot ng dagdag tensyon.
2002 nang lumagda ang ASEAN at China sa isang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea na paunang hakbang tungo sa pagbuo ng mas detalyado at legal na Code of Conduct.
2017, sinimulan ang negosasyon sa draft COC, ngunit mabagal ang progreso dahil sa pagkakaiba-iba ng interes at posisyon ng mga bansa. | ulat ni Alvin Baltazar