Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may bago nang mauupong hepe ng Pambansang Pulisya sa susunod na buwan.
Ito’y sa gitna ng pasya ng Pangulo na hindi na palawigin pa ang termino ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil sa gitna ng umano’y nangyayaring pagla-lobby para muling i-extend ang panunungkulan nito sa Philippine National Police (PNP).
Ikinatwiran ng Pangulo na ayaw na niyang magkaroon pa ng extension gayung tatamaan naman ang mga nasa ibaba at maaantala ang promosyon ng iba pang opisyal.
Magtatampo aniya ang mga nasa ibaba na umaasa din naman ng promosyon.
Sa pananaw ng Pangulo, sapat na ang naging serbisyo ni Marbil.
Pagdating naman sa posibleng papalit kay Marbil, binanggit ng Pangulo na marami siyang ikinukonsidera dahil marami rin daw ang kwalipikado at may kakayahan sa loob ng PNP. | ulat ni Alvin Baltazar