Pilipinas at Cambodia, pinalalakas ang kooperasyon kontra human trafficking

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng high-level dialogue ang Pilipinas at Cambodia upang pa-igtingin ang balikatan ng dalawang bansa na protektahan ang mga biktima ng human trafficking.

Sa press briefing sa Malacañan, sinabi ni Communications Usec Claire Castro na alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin ang regional cooperation sa linyang ito.

“Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na mas paigtingin ang regional cooperation para protektahan ang mga biktima ng human trafficking, labanan ang mga sindikato at siguraduhin ang seguridad sa ating mga border, nagkaroon ng high-level dialogue ang Pilipinas at Cambodia.” —Usec Castro.

Ang pulong na ito, pinangunahan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at ang Department of Justice katuwang ang Cambodian National Committee for Counter Trafficking.

Sa Regional Dialogue and Knowledge Exchange, target ng dalawang bansa na palakasin ang ugnayan sa pagbabahagi ng mga best practices at pagtugon sa mga bagong anyo ng trafficking gaya ng forced labor sa mga scam hub. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us