Publiko, pinaghahanda ng MMDA sa epektong dulot ng EDSA Rebuild sa June 13

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaga pa lamang, pinaghahanda na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko sa epektong dulot ng naka-ambang pagsasaayos ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Ito ang inihayag ni MMDA Chair Atty. Don Artes makaraang i-anunsyo nito ang eksaktong petsa ng pagsisimula ng EDSA Rebuild sa June 13.

Kaugnay nito, sinabi ni Artes na magkakaroon sila ng “simulation” sa mga gagawin ng kanilang traffic sector.

Kanila namang isinasapinal ang kanilang mga hakbag dahil inaasahanang mabigat na daloy ng trapiko bunsod ng malakihang proyekto.

Sa susunod na linggo naman, sinabi ni Artes na maglalabas pa sila ng mga karagdagang detalye hinggil sa malaking gawain sa EDSA. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us