Maging si Representative-elect Leila De Lima ng Mamamayang Liberal Party-list, suportado ang ginawang Cabinet revamp ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang pahayag kaniyang sinabi na ipinapakita nito ang pagkilala ng Punong Ehekutibo na umaasa ang publiko sa higit pang pagkakaisa, higit na kakayahan, at higit na matatag na pamumuno mula sa pamahalaan.
Kung maisagawa aniya ng maayos ang reorganisasyon ng Gabinete ay malaking bagay aniya para sa susunod na kalahati ng kaniyang termino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes