Natapos na ang pagpapalawak ng magkabilang bahagi ng kalsada sa bayan ng Malungon, Sarangani Province.
Pinondohan ito ng ₱142 milyon para sa konstruksyon ng 3.80-meter-wide Portland concrete cement pavement na may tig-dalawang linya sa magkabilang panig ng kalsada.
Ayon kay Secretary Manuel M. Bonoan, layunin ng proyekto na mabawasan ang mabagal na daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Dahil tapos na ang proyekto, kakayanin na ng kalsada ang mas maraming sasakyan na dumaraan nang sabay-sabay.
Inaasahan ding mas mapapababa ang gastos sa pagde-deliver ng mga produktong agrikultural at magkakaroon ng pagbuti sa mobility ng mamamayan at serbisyo.
Nagpasalamat ang mga residente kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa suporta sa proyekto, na nakikitang magbubukas ng mas maraming oportunidad lalo na sa mga magsasakang pangunahing kabuhayan sa lugar, at tumutugon sa mga hamong pang-ekonomiya sa mga liblib na komunidad. | ulat ni DK Zarate