Muling kinilala ang Securities and Exchange Commission (SEC) bilang isang pandaigdigang lider sa mabuting pamamahala matapos itong tumanggap ng dalawang parangal mula sa Cambridge International Finance Advisory (IFA) na nakabase sa London.
Sa loob ng limang taon, nakatanggap ang ahensya ng pagkilala at parangal.
Sa 10th Annual Awards Ceremony na ginanap sa Brunei, Darussalam, iginawad sa SEC ang 3G Leadership Award for Advocacy and Commitment to Corporate Governance at 3G Championship Award in ESG Practice.
Ipinagkaloob ang 3G Leadership Award sa mga institusyong nagpapakita ng matatag na pagtutok sa pagpapalaganap ng mabuting pamamalakad sa mga korporasyon.
Kasama din ang pagsusulong ng mga prinsipyo ng sustainability sa pamamagitan ng pagpapatupad ng corporate governance codes at sustainability reporting guidelines.
Ang mga parangal ay patunay ng dedikasyon ng SEC sa pagsusulong ng integridad, transparency, at pananagutan sa sektor ng pamumuhunan at negosyo sa Pilipinas. | ulat ni Melany V. Reyes