Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko ukol sa lumalalang paggamit ng Deepfake technology sa mga panlolokong may kinalaman sa investment schemes.
Ang Deepfakes ay mga pekeng video, audio, o larawan na nilikha gamit ang artificial intelligence (AI) upang gayahin ang mga totoong tao.
Sa kasalukuyan, ginagamit na ito ng mga scammer upang gayahin ang mga kilalang personalidad, eksperto sa pananalapi, o celebrities para palabasing sila ay nag-eendorso ng mga huwad na investment.
Payo ng SEC sa publiko na siguruhing lehitimo ang pinanggalingan ng video, iwasan ang mga hindi kilalang page o impormasyong galing lang sa social media.
Mag-ingat sa mga “endorsement” na makikita lang sa Facebook, TikTok, o Messenger at i-verify sa opisyal na mga anunsyo ng SEC o ibang ahensiya. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes