Naging maganda ang paghahanda ng mga student-athletes ng Region 4A o CALABARZON para sa Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte.
Ayon kay Mr. Joseph Labugen ng Cavite province, ginanap ang kanilang mga pagsasanay sa kani-kanilang lalawigan habang pagkokondisyon ng katawan nalang ang ginawa nila dito sa Ilocos Norte.
Binisita rin ang mga paglalaroang lugar upang malaman ang mga dapat na gagawin.
Sinabi pa ni Labugen na patuloy ang kanilang pag-adapt na temperatura ng lalawigan kung saan pumapalo sa 45 Degrees Celsius ang heat index base sa forecast ng PAGASA ngayong Sabado, Mayo 24, 2025.
Dagdag ni Labugen na halos lahat ng mga sports event ay sasalihan ng mga atleta. | ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag