Unified Rice Assistance Fund, isa sa mga tututukan ng susunod na Kongreso para matiyak na tuloy-tuloy ang betahan ng ₱20 kada kilo ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na pag-aaralan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsasama-sama at pag-aayos ng mga umiiral na programa ng pamahalaan upang bumuo ng isang Unified Rice Assistance Fund.

Aniya, maaaring pag-isahin ang social service programs gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at food assistance program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Rice Program ng Department of Agriculture (DA) para makalikom ng pondo na magbibigay kapangyarihan sa National Food Authority (NFA) na mapatatag ang suplay ng bigas at maipamahagi ito sa halagang ₱20 kada kilo sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa tuloy-tuloy at pangmatagalang paraan.

Ayon kay Speaker Romualdez, isasama sa panukalang pambansang budget para sa 2026 ang pondo para sa Rice Assistance Fund upang masiguro ang implementasyon at pagpopondo ng programa.

“We will also consider tapping AKAP and other targeted subsidy programs as complementary channels to reach the near-poor and vulnerable,” ani Romualdez, na tumutukoy rin sa posibleng paggamit ng iba pang ayuda upang maabot ang mas maraming nangangailangan.

Tiniyak din ni Speaker Romualdez sa publiko na makikipag-ugnayan ang Kamara sa Ehekutibo upang matiyak ang epektibo, tapat, at malinis na pagpapatupad ng nasabing programa.

Maaari aniya gumamit ng teknolohiya tulad ng national ID system, e-vouchers, at digital monitoring para mapangalagaan ito laban sa korapsyon at pang-aabuso.

“No Filipino should go hungry when our farmers are ready to feed the nation. ₱20/kilo rice is not a fantasy—it’s a question of priority. And it is a top priority under this administration,” giit pa ni Romualdez.

Pinuri rin niya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamumuno at pagsulong ng mga makataong solusyon sa isyu ng mataas na presyo ng bilihin at kakulangan sa pagkain.

“President Marcos is turning a vision into action. The House of the People stands solidly behind him as we turn this action into permanent policy,” pagtatapos ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us