100 solar-powered na bahay, itinurn-over ng BARMM sa mga pamilyang Muslim sa Mati City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang itinurn-over ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang 100 solar-powered na bahay sa mga pamilyang Muslim sa Sitio Butuasan, Barangay Dahican, Mati City.

Ito ang kauna-unahang housing project ng BARMM sa labas ng kanilang rehiyon. Bahagi ito ng kanilang programang na Kapayapaan sa Pamayanan (KAPYANAN), katuwang ang Lungsod ng Mati.

Bawat bahay ay may malawak na lote, tatlong kwarto, at may sariling solar power system na makapagbibigay ng malinis at sapat na kuryente sa bawat pamilya.

Nagpasalamat si BARMM Deputy Minister Abdullah Cusain sa lokal na pamahalaan ng Mati, lalong-lalo na kay Mayor Michelle Nakpil Rabat, para sa donasyong tatlong ektaryang lupa na naging daan para matupad ang proyekto.

Ayon kay Deputy Minister Cusain, ang mga bahay na ito ay higit pa sa tirahan — simbolo ito ng pag-asa at pagkakaisa para sa Bangsamoro, saan man sila nakatira.

Dagdag pa niya, patunay ang proyektong ito sa hangarin ng BARMM na maiangat ang Bangsamoro communities at maitaguyod ang kapayapaan at kaunlaran sa buong Mindanao. | ulat ni Kate Laquihon-Lao | Radyo Pilipinas Davao

📸 Mati City LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us