2 opisyal ng LTO Region 2 na nag-viral sa social media dahil sa pananakit, sinibak na sa puwesto ng DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang pagsibak sa puwesto sa dalawang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) Region 2.

Ito’y makaraang mag-viral sa social media ang Assistant Regional Director na si Manuel Baricaua at Chief Enforcer Charles Ursolum dahil sa ginawang pananakit ng mga ito sa dalawang indibidwal kabilang na ang isang menor de edad.

Ayon kay DOTr Sec. Vince Dizon, mahigpit ang tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga lingkod-bayan na hindi dapat maghari-harian at mang-abuso ng kapwa.

Kasunod nito, inatasan ng kalihim si LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na agad ipaabot ang mga kinakailangang tulong upang maisampa ang kaukulang kaso laban sa mga inirereklamong opisyal.

Magugunitang sinibak din sa puwesto ang LTO Baguio Motor Vehicle Registration Chief na si Edilberto Bongaoen noong isang linggo makaraang maaresto dahil sa pagmamaneho ng lasing. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us