2 Vietnamese na nagpapanggap na doktor, arestado ng CIDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Huli sa ikinasang entrapment operations ng Quezon City Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at CIDG-National Capital Region ang dalawang Vietnamese na nagpapanggap na doktor.

Ayon kay CIDG NCR Chief, Police Colonel Marlon Quimno, naaresto ang mga suspek sa isang Beauty Lounge sa Bel-Air Village, Makati City nitong Hunyo 16, 2025.

Huli sa akto ang 2 Vietnamese nagsasagawa ng medical consultation at nagbibigay pa ng quotation para sa nose augmentation at body parts modification procedures.

Napag-alaman naman na wala silang permit o license registration sa Professional Regulation Commission (PRC), kaya maituturing na illegal ang kanilang ginagawa.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 4224 o The Medical Malpractice Act of 1959. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us