Hinikayat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na lumahok at makiisa sa isasagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Huwebes, June 19.
Ayon sa OCD, isasagawa ang ceremonial pressing of the button sa Dipolog City Sports Complex, ganap na ika-9 ng umaga.
Tampok sa naturang drills ay ang mga makatotohanang pangyayari sakaling tumama ang malakas na lindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kabilang na rito ang paglalatag ng Regional at Local Emergency Operations Centers (EOCs), pagbuo ng Regional Incident Management Team (IMT), at Mass Casualty Incident and Management of the Dead and the Missing. Gayundin ng pagresponde ng HazMat (Hazardous Materials Response) at Fire Response, Oil Spill, pagkalunod, High Angle Rescue, Debries Clearing, at pagtugon sa looting.
Kasama rin dito ang Aeromedical Rescue and Vehicle Extrication, power restoration, at Collapsed Structure Search and Rescue (CSSR). | ulat ni Jaymark Dagala