📷MARINA
Tatlumpu’t pitong (37) boat captains at motormen ang matagumpay na nagtapos sa Modified Basic Safety Training ng MARINA Region IV na isinagawa noong June 18 hanggang 20 sa Batangas.
Pinangunahan ito ng Seafarer’s Documentation Section sa pamumuno ni Regional Director Engr. Rizal Victoria.
Layunin ng training na palakasin ang kaalaman ng mga seafarers sa life-saving techniques at kahandaan sa oras ng emergency.
Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng MARINA na mapataas ang antas ng kaligtasan at kasanayan ng mga manggagawa sa maritime sector. | ulat ni Lorenz Tanjoco