4 na opisyal ng DA, naipit sa gulo sa Israel; Pagpapauwi sa delegasyon, minamadali na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Apat na opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) ang nasa Israel matapos maipit sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Kabilang sa delegasyon sina Philippine Carabao Center Executive Director Dr. Liza G. Battad, Assistant Secretary Benjamin Alvarece, at mga opisyal ng National Dairy Authority na sina Rowena Bautista at Angelica Escanilla.

Ang grupo ay nasa Israel para sa isang study mission sa Israeli Dairy Industry mula June 7 to 14, ngunit hindi natuloy ang kanilang pag-uwi dahil sa kanselasyon ng biyahe dulot ng airspace disruption at hindi matiyak na sitwasyon sa rehiyon.

Nanunuluyan ngayon ang grupo sa Hotel Kibbutz Shefayim sa Central Israel, kung saan nakaranas sila ng missile at bomb alerts.

Nakaalalay naman na sa kanila ang Mashav Israel at ang Embahada ng Pilipinas sa Israel.

Sa panayam din sa programang Bangon Bayan Mahal, tiniyak ni Ambassador Irit Savion Waidergorn, Deputy Head ng Mashav, na target na mailipad na rin ang delegasyon ngayong araw o bukas para makauwi na ng bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us