Bacolod City Police Office, nakiisa sa weight loss program ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Opisyal nang sinimulan ng Bacolod City Police Office (BCPO) sa pangunguna ni BCPO Director Police Colonel Joeresty Coronica ang pagpapatuloy ng Regular Physical Conditioning Program o Pulisteniks sa BCPO Covered Gym.

Ang inisyatibo ay naglalayong isulong ang holistic wellness ng mga personnel ng BCPO na nakatuon hindi lamang sa physical fitness pati na rin sa mental resilience ng kapulisan.

Naniniwala ang BCPO, na kung healthy at fit ang kapulisan mas magagampanan nila ang kanilang tungkulin sa komunidad lalo na sa pagpapatupad ng batas.

Ang Regular Physical Conditioning Program ng BCPO ay gaganapin tuwing Martes at Huwebes.

Ang pakiiisa ng BCPO sa weight loss program ay pagtalima sa direktiba ni PNP Chief Nicolas Torre III, na dapat magpapayat ang mga overweight na pulis. | ulat ni Paul Tarrosa, Radyo Pilipinas Iloilo

📷 BCPO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us