Bagong regional director ng Central Luzon PNP, pormal nang umupo sa puwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang isinalin ni Police Brigadier General Jean Fajardo ang kapangyarihan kay Police Brigadier General Rogelio Peñones bilang bagong pinuno ng Police Regional Office 3 (Central Luzon).

Pinangunahan ni Deputy Chief PNP for Administration, Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang turnover ceremony sa Kampo Olivas sa Pampanga, bilang kinatawan ni PNP Chief, Police General Nicolas Torre III.

Una rito, bunga ng ipinatupad na balasahan sa hanay ng PNP ay inilipat si Fajardo bilang pinuno ng Directorate for Comptrollership.

Habang si Peñones ay unang nagsilbi bilang Deputy Regional Director for Administration ng National Capital Region Police Office (NCRPO), bago hiranging bagong pinuno ng PRO 3.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Peñones na handa niyang harapin ang mga hamon sa pagtataguyod ng mas ligtas at payapa na gitnang Luzon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us