Ipinahayag ng Department of Agriculture Regional Office V (DA Bicol) ngayong Hunyo 23, 2025, ang pinakabagong ulat ukol sa presyo ng liveweight na baboy at pork kasim sa rehiyon ng Bicol.
Ayon sa naturang ulat, ang presyo ng liveweight na baboy ay ang mga sumusunod:
- Albay – ₱240–₱250 kada kilo
- Camarines Norte – ₱220–₱235 kada kilo
- Camarines Sur – ₱230–₱240 kada kilo
- Catanduanes – ₱240–₱260 kada kilo
- Masbate – ₱200–₱220 kada kilo
- Sorsogon – ₱230–₱235 kada kilo
Samantala, ang presyo ng pork kasim sa mga pamilihan ng rehiyon ay naitala sa:
- Albay – ₱400–₱420 kada kilo
- Camarines Norte – ₱370–₱390 kada kilo
- Camarines Sur – ₱390–₱400 kada kilo
- Catanduanes – ₱400–₱420 kada kilo
- Masbate – ₱360–₱370 kada kilo
- Sorsogon – ₱390–₱400 kada kilo
Patuloy ang isinasagawang pagmo-monitor ng DA Bicol sa galaw ng presyo ng karne sa rehiyon upang matiyak na nananatiling makatarungan ang presyo para sa mga mamimili at makatao para sa mga hog raisers. | ulat ni Kristine Villanueva | RP1 Albay