Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na wala itong ipatutupad na Maximum Suggested Retail Price (MSRP) para sa lokal na baboy.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., hindi pa ito maibabalik dahil sa nananatiling kakulangan ng suplay ng lokal na baboy.
Nais umano ng kalihim na matututukan muna ang repopulation efforts ng hog industry sa bansa bunsod ng epekto ng African Swine Fever (ASF).
Matatandaang nai-lift ng DA ang dating MSRP noong May 15.
Samantala, plano naman ng DA na magpataw ng MSRP sa frozen imported pork matapos madiskubreng may mga trader na ibinebenta ito bilang lokal na baboy sa mas mataas na presyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa