DA, nakatutok na sa posibleng epekto ng Iran-Israel conflict sa sektor ng agrikultura

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang Department of Agriculture (DA) na tumugon sakaling maramdaman ang epekto ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahigpit na binabantayan ng kagawaran ang posibleng epekto ng krisis, partikular na sa fertilizer na inaangkat mula sa Gulf region.

Tiniyak din ng kalihim, na may nakahandang pondo ang DA para sa fuel subsidy ng mga magsasaka at mangingisda kung sakaling lumala pa ang tensyon.

Aniya, tuloy-tuloy ang koordinasyon ng DA sa Department of Energy kaugnay ng isyu, para maagapan ang ano mang problemang dulot ng pagtaas ng presyo ng langis.

Inaasahan din ng kalihim ang paggalaw ng presyo ng ilang produkto sa merkado, dahil sa epekto ng oil price hike — bagay na patuloy na tututukan ng kagawaran para maprotektahan ang consumers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us