Pinaplantsa na ng Department of Social Welfare and Development ang malawakang information campaign on disability inclusion at tamang paghawak sa mga taong may kapansanan gamit ang public utility vehicles (PUV).
Nakipagtulungan na ang DSWD sa Department of Transportation at private transportation sector para sa pagpapatupad nito.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, dapat maturuan ang mga operator ng transport company sakaling maharap sila sa mga pangyayari at kung paano kakaharapin ang mga kasong ito.
Bukod sa information campaign, plano ng DSWD na i-mainstream ang mga disability-friendly vehicles upang mas maraming PWD ang magkaroon ng ligtas na mobility nang hindi nakararanas ng diskriminasyon.
Tugon ito ng DSWD sa viral video ng isang taong may kapansanan na sinaktan sa isang public utility bus noong Hunyo 13. | ulat ni Rey Ferrer