Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga 4Ps beneficiary na gabayan at tiyakin ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Ayon kay 4Ps National Program Manager Director Gemma Gabuya, mahalaga aniya ito, hindi lamang para sa pagsunod sa “educational grants” kung hindi para sa magiging kinabukasan ng mga bata.
Kasama sa education criteria program ng pagtanggap ng cash grants ang pag-aaral ng mga batang 3 hanggang 18 taong gulang at mapanatili ang 85% attendance rate.
Samantala, nagpasalamat ang 4Ps director sa parent-beneficiaries na lumahok sa Brigada Eskwela 2025 ng Department of Education (DepEd).
Bukod sa pakikilahok sa Brigada Eskwela, ipinatutupad din ng 4Ps ang Bata Balik Eskwela (BBE) campaign nito.
Layon nito na hikayatin ang out-of-school children mula sa low-
income families na bumalik sa paaralan sa pamamagitan ng pormal na edukasyon o ang Alternative Learning System (ALS). | ulat ni Rey Ferrer