Umabot na sa 9,812 na Pamilya Pass coupons ang naipamahagi mula nang ilunsad ang Pamilya Pass 1+3 Promo noong June 1.
Layon ng programa na mabawasan ang gastusin sa pamasahe at magkaroon ng mas maraming oras ang bawat pamilya.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), nasa 5,411 na mga pamilya na ang nag-avail ng Pamilya Pass 1+3 Promo.
Ito anila ay patunay na malaki ang ginagampanang papel ng programang ito sa pagpapagaan sa gastusin sa transportasyon ng bawat pamilya.
Magpapatuloy ang nasabing programa tuwing araw ng Linggo at tatagal hanggang June 2028. | ulat ni Diane Lear