May panibago na namang floating shabu ang natagpuan ng dalawang mangingisda sa karagatan ng Ilocos Norte.
Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency, tinayang nagkakahaLaga ng ₱20,400,000 ang iligal na droga.
Ang mga shabu ay nakasilid sa tatlong plastic bags na may Chinese character markings ay tumitimbang ng tatlong kilo.
Nakita ito ng mga mangingisda sa baybaying dagat sa Barangays Pangil, Currimao; 33-A, La Paz, Laoag City at Masintoc, Paoay.
Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, hanggang Hunyo 13, 2025, kabuuang 1,243.12 kilograms ng floating shabu ang natagpuan sa karagatan ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Ang illegal drugs, ayon sa PDEA ay nagkakahalaga ng higit ₱8.4 bilyon. | ulat ni Rey Ferrer